Friday, December 11, 2009

Bob ong Words of wisdom

1.Dalawang dekada lang ang pag-aaral kung di mo pagtityagaan
limang dekada ng kahirapan ang kapalit sobrang lugi.

2.Tuparin ang mga pangarap obligasyon mo yan sa buhay mo. kung
gusto mo mang kumain ng balde-baldeng lupa para malagay sa
guiness book of world records at ipagmalaki ang bansa natin
sige lang wag mong pansinin ang sasabihin ng mga taong susubok
na humarang sayo.

3.Mangarap ka at abutin mo wag mong sisihin ang sira mong pamilya
palpak mong syota pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis kung may
pagkukulang sa'yo pamilya mo, pwede kang manisi at maging rebelde
tumigil ka sa pag-aaral mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka
ng buhok sa kili-kili sa bandang huli ikaw din ang biktima.rebeldeng
walang napatunayan at bait sa sarili.

4.kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng
motibo para mahalin ka nya.

5.Gamitin ang puso para alagaan ang taong mapalit sayo.
gamitin ang utak para algaan ang sarili.

6.parang elevator lang yan eh bakit mo pagsisiksikan yung sarili
mo kung walang pwesto para sayo eh meron naman hagdanan ayaw mo
lang pansinin.

7.huwag mong hawakan kung bibitawan mo lang

8.Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.

9.Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo kasi may mga
tao din na di mo mahal pero mahal ka. kaya quits lang.

10.Tandaa mo magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin
na hindi ang puso,utak,atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat
ng nangyari sayo kundi IKAW MISMO!.

11.Hindi dahil hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan
at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan.

12.wag kang masanay sa mga bagay na pwede namang mawala sa buhay mo.

13.iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.

14.mas mabuting mabigo sa pag-gawa ng isang bagay kesa magtagumpay
sa pag-gawa ng wala

15.Nalaman kong habang lumalaki ka maraming beses kang madadapa.
bumangon ka man ulit oh hindi magpapatuloy ang buhay. iikot ang
mundo at ma-uubos ang oras.

16.Pag may mahal ka at ayaw sayo hayaan mo. malay mo sa mga susunod
na araw ayaw mo na din sakanya. naunahan ka lang

17.Kung dalawa ang mahal mo piliin mo yung pangalawa kasi hindi
ka naman mag mamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.

18.Masama akong tao tulad mo sa mabuting paraan na mabuti kang
tao tulad ko.

19.minsan kahit ikaw ang nakaschedule kailangan mo pa rin
maghintay kasi hindi ikaw ang priority.

20.Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw
ang bida sa script na pinili nya.

21.Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag
nagtalikuran na sila? kailangan mong libutin ang buong mundo para
lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.

22.Ang pag-ibig parang imburnal. nakakatakot mahulog at kapag
nahulog ka it's either by accident or talagang tanga ka.

23.Kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam
mag-ingat ingat ka naman dahil kahit ganyan ka hindi nasasaktan
kaya mo namang makasakit

24.Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pag
tanggap sa bilyon-bilyong tao sa mundo wala man lang nakipaglaban
upang makasama ka.

25.hindi porket madalas mong kachat kausap sa telepono kasama sa
mga lakad o ka-text ng wantusawa e may gusto sayo at magkakatuluyan
kayo. meron lang talagang mga taong sadyang friendly,sweet,flirt
malandi,pa fall o pa-asa.

26.Pakawalan mo ang mga bahay na nakakasakit sayo kahit na
pinapasaya ka nito wag mong hintayin yung araw na sakit na
lang nararamdaman mo at iiwan ka ng kasiyahan mo.

27.Marami palang libreng lecture sa mundo maraming teacher sa
labas ng eskwelahan desisyon mo kung kanino ka papaturo.

28.pag-gawa na ba ng mabuti ang hindi pag-gawa ng kasamaan.

29.Hindi kailangan lahat ng gagawain natin ay para lang sa atin
dapat ay isinasaalang alang rin natin ang mga susunod pang
henerasyon.

30.Samantala wala pa rin malinaw na lunas para sa sakiting bansa.
walang pumapansin sa nag-aapoy nitong lagnat, at walang gustong
magbigay ng gamot

31.Ang problema ng bansa ay hindi militarismo,hindi komunismo,
hindi kapitalismo... kundi TAYO MISMO!..(leo martinez)

32.kung importante sa buhay ng tao ang teleponong may camera
dapat dati pa tayo lahat namatay

33.Masaya pag nakikita mong masaya ang mahal mo sa buhay at
masaya sila pag nakikitang nagtatagumpay ka.

34.sa kahit anong problema, isang tao lang ang makakatulong
sa'yo ang sarili mo.

35.Hindi naman iiyak ang mundo para lang sa isang tao.

36.kailangan din ng lakas para sabihing mahina ka.

37.kahit gago pwedeng gumawa ng kabutihan.

38.Obligasyon kung maglayag, karapatan kong pumunta sa kung
saan ko gusto responsibilidad ko ang buhay ko.

39.Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili
ang taong uupu sa tabi mo. ganyan ang senaryo sa bus ganyan din
ang sa pag-ibig lalong dimo kontrolado kung kelan sya bababa at
iiwan ka.

40.Hindi mo makukuha ang gusto mo sa mundo kung hindi mo talaga
alam kung ano ito

41.para makuha mo gusto mo, kailangan nakatatak ito sa isip mo
ng buong-buo

42.walang gamit ang hasaan kung walang hahasain

43.pwede akong matakpan ng sarili kong anino

44.Mag-aral mabuti kung titigil ka sa pag-aaral manghihinayang
ka pagtanda mo dahil hindi mo naransan ang kakaibang ligaya
dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o
absent ang teacher.

45.karapatan kong madapa at bumangon sa buhay ng walang
tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses
na 'kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi.

46.Ano ang talino kung walang disiplina?

47.Hinahanap mo nga ba ako? o ang kawalan ko mas madaling
makita ang wala

48.Kahit anong bagal ng paglakad mo, kung hindi ka naman
niya gustong habulin, hindi ka talaga nya maabutan
kahit mag stop over kapa.

49.Wag pahintuin ang mundo sa isang tao lang. wag hayaan
laruin nila ang mundo natin laruin natin mundo nila
imagine almost 100 m tayo sa pilipinas at more than
6 billion sa buong mundo hahayaan mo ba na sirain
ng isa ang buhay mo ? Wag sayangin ang buhay na
masaya sa taong hindi marunong mag pahalaga.

50.pano mo makikita yung talagang para saiyo? kung
ayaw mong tantanan yung pinipilit mong maging para
sayo ?

51.Ang liit at lake ay hindi basihan sa pagsisikap lang
yan ng tao.

52.Masama ang mainggit huwag mong pilitin ang
bagay na mapasaiyo lalona't hindi ito saiyo.

53.May kanya-kanyang hilig at talento ang lahat ng tao.

54.sabi ni bob ong wag kang magparamdam sa taong di marunong
magparamdam.

55.Sino nga ba ang learning disabled, 'yung mga hirap
mag-aral o 'yung mga walang natutunan?

56.Madaling isispin kung ano ang gamit ng pera, pero
hindi ko maintintihan kung bakit kailangan ito maging
sukatan ng tagumpay ng tao.

57.Siguro kaya tayo mahiyain ay dahil alam natin kung ano ang nasa
isip ng mga kapwa natin pilipino. Alam natin kung mapapahiya tayo
dahil ganoon din tayo manlait sa kapwa.

58.Wag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang
hawak ng iba.

59.Hiwalayan na kung di ka na masaya. walang gamot
sa tanga kundi pag kundi pagkukusa.

60.Kung nag mahal ka ng taong hindi dapat at
nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo.
tumibok lang yan para magsupply ng dugo sa
katawan mo.

61.Ngayon kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin
mo naman ay ang hypothalamus mo na komokontrol ng
emotion mo, MALI KA PA DIN!!!

62.Bakit utang na loob?! Wag mong isisi sa body organs mo
ang mga sama ng loob mo sa buhay.

63.Minsan nalilinlang ka na lang ng sarili mong damdamin
na akala mo nasasaktan ka pa din pero ang totoo
naalala mo lang talaga yung pakiramdam nung nasaktan ka.-
-pareho lang din yun sa pag-aakalang mahal mo pa yung
totoo naiisip mo lang yung pakiramdam mo dati nung mahal
mo pa siya.

63.Matuto kang sumoko at mang iwan kung lagi ka namang
sinasaktan imbes na magtanong ka ng "Hindi paba sapat"

64.Bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? kung
alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsawa na siya.

65.Wag kang magpadala sa salitang "sorry" at "ayokong mawala ka"
kung totoo yun patunayan nya.

66.Minsan kailangan ituro ng mundo sayo ang tama sa paraang
masasaktan ka para lang matandaan mo.!

67.Wag kang magseryoso sa taong hindi naman interesado sayo,
para ka lang nagpapagod sa exam na hindi recorded.

68.Minsan pinipili mo lang kung sino rereplayan mo, pero
naisip mo bang pinipili din nila kong sino ang tinetxt nila?

69.Kung mahalaga ka sa isang tao, hahanap siya ng paraan para
magkaoras sayo, kung wala siyang oras sayo... wag kang umasang
mahalaga ka sakanya.

70.Paano mo masasabing especial ka sa isang tao kung ang bawat
ginagawa niya sayo ay ginagawa din nya sa iba?

71.Kahit gaano kadaming signs pa ang dumating, kung hindi ka nya
mahal HINDI KA NYA MAHAL!!!.

72.Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay hindi
ito multiple choice,identidfication true or false,enumeration
or fill in tha blanks na sinasagutan kundi essay na isinulat
araw-araw huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang
sasagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat
o wala. Allowed ang erasures.

73.Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal.
Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon

74.Wala na 'kong balak mag-aral. gusto kong patuloy na matuto,
pero ayokong bumalik sa eskwelahan.

75.Hindi ba malaking pagkakamali ng maraming eskwelahan na gawing
0 to 10% lang ang ‘character’ sa computation ng grades gayong
Character ang humuhulma sa tao, pamilya,
bansa, mundo at kasaysayan?

76.Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon,
mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala
tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o gwapoo.
Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman.
Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan
nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.


77.Parang eskwelahan din ang buhay e. Marami kang pag-aaralan,
pero hindi naman lahat 'yon e importante at kailangan mong matutunan.


78.Babae,wag mo spoonfeeding asawa mo, magiging mahina siya...
Wag Ka din dumipende sa kanya,pag iniwan ka, kawawa ka


79.ritual 'yon, tradisyon, sakramentong hinihingi ng lipunan
para magkatrabaho ka at kumita ng disente.
At oo, para rin respetuhin ka ng ibang tao.


80.ang kakulangan ng katauhan ko, pinunan ko ng pagiging makatao..

81.walang bayaning makapagliligtas sa akin
dahil ang pinakamalaking kalaban ko ay ang sarili ko..

82.
Tama na sigurong malaman namin namin na
lumalakad ang mga kamay ng relo at tumatakbo ang panahon.


83.mahirap isipin ang mga bagay na kung ikaw
mismo e hindi mo maipaliwanag sa sarili mo...

84.
ang trahedya ng buhay ko? hindi ako nagkaroon ng
kapangyarihanng makapagsabi ng tamang
bagay sa tamang tao sa tamang panahon.


85.ang kapangyarihan ay tatagal ng ilang taon..
pero ang impluwensya, daang taon.


86.Iba ang informal grammar sa mali!!!

87.Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral
ako ng mga magulang ko nung bata pa ako.
Hindi pala lahat ng bata e dumadaan sa kamusmusan.

88.
Ganyan talaga ang tao, pipilit-pilitin ang katotohanan
hanggang sa sumang-ayon na ito sa kumportableng
posisyon ng mga makasarili nilang puso.


89.nakakatakot nga na mapagkamalang hindi ka pwedeng
mahalin, o mapagkamalian kang mahalin dahil sa itsura mo..


90.Kung hindi mo alam kung sino ka,
paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?


91.Wala kang ibang paghuhugutan ng sipag,
tiyaga, at determinasyon kundi sarili mo.


92.Kung wala kang alam sa buhay ng dalawang
tao o kahit pa man ay alam ka sa isa sa kanila,
wala ka pa rin sa tamang lugar para lagyan
ng kahulugan ang mga kilos nila.


93.Kahit kelan walang maling desisyon,
nagiging mali lamang ito kapag hindi napapanindigan.


94.Mahirap magpatupad ng batas,
pero madali maghanap ng violations
kapag oras na ng sisihan
.

95.Sa kolehiyo, maraming impluwensya ang makikita.
Masama o mabuti man ito. Wag mo isisi sa thesis
partner o sa kaibigan ang lahat kung bakit nasira
ang baga mo sa kakayosi, nasira ang atay mo sa kakainom
at kung bakit nagkaroon ka agad ng pamilya.
Kung talagang matino kang tao, kahit sino pa mang
tarantado ang kasama mo ay maitutuwid mo
pa rin ang daang tatahakin mo.

96.
alam mo ba ang pinag kaiba ng bulag
at ng mga nakakakita? hindi alam ng
mga nakakakita kung kelan sila bulag.


97.Makakapagbago ka lang kung kaya mo nang
aminin na hindi mo mapagkakatiwalaan ang
sarili mong pag-iisip, dahil ito rin ang
nagtutulak sa ‘yo sa bisyo.


98.Ang buhay ay isang lesson na hindi
perpektong natututunan.

99.
Kaya ka lang naman matapang ay
dahil sa wala namang mawawala sayo.


100.Natawa ka man o nandiri sa pagkaing
may kakaibang pangalan, isang patunay
lang yan na apektado ka ng salita.


101.Kung paniniwalaan namin kayo na hindi
naglaro ng tubig kahit na basa ang damit
n’yo, kayo ang niloloko namin.
hindi kayo ang nakapanloloko.


No comments:

Post a Comment